BURAGA.org: Pinoy Abroad Social Network is a social utility that connects Overseas Filipino Workers (OFW) with friends and others who work and live around them. OFW's use BURAGA.org to meet new like minded people, to be informed and be entertained. JOIN US NOW FOR FREE!

Saturday

Paano Kumuha ng NBI Clearance?

Paano Kumuha ng NBI Clearance Online 2015

Mas pinabilis na ang pagkuha ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI) simula Abril 2015.

1) Ayon sa ahensya, maari nang mag-set ng appointment ang aplikante sa clearance.nbi.gov.ph kung saan ilalagay ang iyong personal na impormasyon.

Pagkatapos ng prosesong ito ay makikita na ng aplikante ang petsa ng appointment sa sangay ng NBI kung saan niya maaring makuha ang kanyang NBI clearance.

2) Sa website na rin pwedeng pumili ng pamamaraan ng pagbayad. Matapos bayaran ang clearance sa piling bangko at payment center, hihintayin na lamang ng aplikante ang araw ng kanyang appointment.

3) Sa araw ng appointment na kukunin ang fingerprint at litrato ng aplikante. Pagkatapos nito ay makukuha na ang bagong limbag na NBI clearance.



Para sa mga Pilipinong mahilig magsalita ng Ingles, How to Apply for NBI Clearance Online 2015